Connect with us

DSWD, pinaiimbestigahan dahil sa mabagal na pagbibigay ng pension

Caloocan Muntinlupa pamamahagi SAP

National News

DSWD, pinaiimbestigahan dahil sa mabagal na pagbibigay ng pension

Pinaiimbestigahan ngayon sa Kamara ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil umano sa mabagal na pagbibigay sa P500 na buwanang pensyon ng mga senior citizen mula pa noong 2019.

Batay sa House Resolution No. 656 na inihain ni Senior Citizens Partylist Rep. Francisco “Jun” Datol, pinaiimbestigahan ang ahensya sa isyu matapos makatanggap ng sandamakmak na reklamo mula sa senior citizens.

“Those reports prompted us to file House Resolution No. 656 calling for a House investigation. I hope it does not have to come to that. We just want the funds released and accountability from DSWD, the implementing agency,” pahayag ni Datol na siya ring Chairman ng House Special Committee on Senior Citizens.

Ani Datol, ipatatawag at pagpapaliwanagin niya ang DSWD sa Kamara dahil sa mabagal na pamamahagi ng pensyon ng mga lolo at lola.

Noong 2019 aniya ay may inilaan na P23 bilyon na alokasyon para sa pension program ng nasa 3.796 milyong indigent seniors na dapat aniya ay naipamigay na.

Giit ni Datol, may sapat na panahon naman ang DSWD para naipamahagi na sana ang nararapat na buwanang pensyon ng mga mahihirap na seniors sa bansa kaya pagpapaliwanagin ito sa Kamara.

More in National News

Latest News

To Top