National News
DTI, magbibigay ng rekomendasyon sa IATF ng mga establisyementong magbubukas GCQ
Hiniling ng Kamara sa IATF na luwagan at alisin na ang restrictions sa mga kargamento na naglalaman ng basic goods tulad ng pagkain at gamot.
Kaugnay nito, nakatakdang magbigay ng rekomendasyon ang Department Of Trade And Industry ng mga establisyimentong maaaring magbukas sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ.
Sa panayam ng SMNI news kay Dti Undersecretary Ruth Castelo, kabilang sa kanilang posibleng irekumenda ang manufacturing business gaya ng alcoholic beverages, semento, bakal, textile, at iba pa maging ang pagbubukas ng malls pero limitado lang ito.