Connect with us

Duque, hindi pabor na isara ang borders ng bansa dahil sa monkeypox

Duque, hindi pabor na isara ang borders ng bansa dahil sa monkeypox

National News

Duque, hindi pabor na isara ang borders ng bansa dahil sa monkeypox

Hindi pabor si Health Secretary Francisco Duque III na isara ang borders ng Pilipinas sa gitna ng banta ng monkeypox virus.

Ayon kay Duque, hindi pa kinakailangan sa ngayon ang pagsasara ng borders o mas mahigpit na borders control.

Ito ay dahil nagpapatupad na ang bansa ng mga hakbang laban sa monkeypox na kahalintulad sa COVID-19 gaya ng mahigpit na surveillance at mas mahigpit na symptom screening.

Gayunpaman, sinabi ni Duque na ipinag-utos niya sa Bureau of Quarantine na bantayan ang mga dumadarating na mga pasahero mula sa mga bansang may naitalang monkeypox kabilang ang Canada, Italy, Sweden, Spain, Portugal, Europe at North America.

Una nang sinabi ng DOH na wala pa nakakapasok sa bansa ang monkeypox virus kung saan ilan sa mga sintomas nito ay lagnat, pantal at swollen lymph nodes.

More in National News

Latest News

To Top