National News
Duterte admin, nakakuha pa rin ng pinakamataas na Net Satisfaction rating – SWS survey
Muling nakapagtala ng “Excellent” na Net Satisfaction rating ang Duterte Administration.
Ayon sa Social Weather Stations (SWS), muling umakyat sa +73 ang Net Satisfaction rating ng kasalukuyang administrasyon batay na rin sa resulta ng ginawang survey sa 1,200 adults noon Disyembre 13-16, 2019.
Noong Marso 2019 nang makapagtala ang Duterte administration sa +72 rating, +73 noong Hunyo 2019, habang bumaba naman ito sa +67 noon Setyembre 2019.
Nakakuha naman ng “Very Good” ang administrasyon sa larangan ng pagtulong sa mga mahihirap, paglaban sa terorismo, at pagprotekta sa kalayaan ng pamamahayag.
“Good” naman ang grado na nakuha ng Duterte administration pagdating sa pagsugpo sa kriminalidad, pagtugon sa communist rebels, foreign relation, pagdepensa ng soberenya ng Pilipinas sa West PH Sea, at ang paglaban sa korapsyon.

SWS survey results
Dagdag pa sa datus ng SWS, kung ihahambing sa nagdaang administrasyon ng dating mga pangulo na sina Cory Aquino, Fidel Ramos, Joseph Estrada, Gloria Arroyo at Noynoy Aquino malinaw na mas mataas pa rin ang Net Satisfaction ration ng Duterte admin.

SWS survey results comparison
