Connect with us

Duterte kay Marcos: Baka sumunod ka sa yapak ng iyong ama kung ipipilit ang Cha-Cha

Duterte kay Marcos: Baka sumunod ka sa yapak ng iyong ama kung ipipilit ang Cha-Cha

National News

Duterte kay Marcos: Baka sumunod ka sa yapak ng iyong ama kung ipipilit ang Cha-Cha

Ipinaliwanag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang para sa kaniya ay totoong layunin ng pag-susulong ngayon sa Charter Change (Cha-Cha).

“Pero sugdan nako pinaagi sa pagbasa sa atong Constitution, ang Saligang Batas diin ang tibuok Pilipino hasta ang mga uk-ok musunod gyud diha aning dokumento nga gitawag nato’g the Constitution of the Republic of the Philippines,” ayon kay former Pres. Rodrigo Duterte.

“Pero, sisimulan ko sa pamamagitan ng pagbabasa ng ating konstitusyon. ang Saligang Batas din ang buong Pilipino. Pati mga ipis susunod diyan dahil ‘yan ang dokumento ng the Constitution of the Republic of the Philippines.”

Nag-ala law professor si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng libo-libong tao sa Defend the Flag Peace Rally kamakailan sa Tagum City.

Ang paksa ng kaniyang lecture, ang term limits ng presidente at bise-presidente sa ilalim ng 1987 Constitution.

Saad niya, malinaw na 6 years lang ang term limit sa mga nabanggit na puwesto.

“The president, usbon nako (uulitin ko), the president shall not be eligible for any re-election, no persons who has succeeded him as vice president and serve for such for more than four years shall be qualified for election to the same office… duha ni, presidente ug bise presidente,” saad pa ng dating pangulo.

Pero sa mga nangyayari ngayon, hindi mapakali ang dating presidente sa pagsusulong ng administrasyon sa Cha-Cha.

Term extension raw kasi ang tunay na pakay dito ng adminstrasyon.

Kaya ang sana’y pahinga niya sa pulitika, naudlot dahil sa isyu ng Cha-Cha.

“Dili unta ko muapil ani apan napugos na lang ko kay murag wa nako kaangay sa nahitabo sa atong nasud.”

“Hindi na sana ako sasali pero napilitan ako dahil hindi ko na nagugustuhan ang nangyayari ngayon sa bansa.”

“Duha ra ka… duha ka words. Ila lang nang kuhaon (dalawang lang… dalawang salita. ‘Yan lang ang kukunin). For the term of 6 years. Butangan lang na shall be eligible for another re-election hangtod sa ilang kamatayon. Law-ay (hanggang sa kanilang kamatayan. nakakarindi!),” ani Duterte.

Nauna nang sinabi ni Duterte na hindi siya tutol sa Cha-Cha basta’t hindi makikinabang ang mga nakaupo ngayon sa pamahalaan.

Kasama na diyan ang kaniyang anak na si Vice President Sara Duterte.

Matatandaan na isyu kamakailan ang signature campaign o ang kontrobersyal na people’s initiative (PI) para amyendahan raw ang economic provisions ng 1987 Constitution.

Pero ani Duterte, hindi economic provision kundi term limits ang nais amyendahan ng mga nagsusulong ng PI.

“Abi nimo, law-ay kaayo man gyud nga kining usa ka tao, usa ka administrasyon maningkamot na pod ug usab sa Konstitusyon… para usbon, tantangon tung 6 ka tuig ug gusto dungagan. Kay diri, 1 term six years only. Karun, maghimo sila’g bag-ong Konstitusyon mao na gitawag ug Cha-Cha, Constitutional Change,” pahayag pa ni dating Pang. Duterte.

“Alam mo, nakakarindi itong isang tao, isang administrasyon na nais baguhin ang konstitusyon. Para baguhin, tanggalin ang anim na taon at dagdagan. Kasi dito, isang termino, anim na taon lang. Ngayon, gagawa sila ng bagong konstitusyon, ‘yan ang tinatawag na Cha-Cha, Constitutional Change.”

“Ang nagpadagan ining tanan, si Liza Marcos. Unya, ang iyang long-term goal, ang gusto ni Liza Marcos, himuon pod niyang presidente ang iyang anak,” ayon namam kay Anti-Election Fraud Advocate, Atty. Glenn Chong.

“Ang nagpapatakbo nitong lahat, si Liza Marcos. Tapos, ang kaniyang long-term goal, ang gusto ni Liza Marcos, gawin ring presidente ang kaniyang anak.”

May babala naman ang beteranong opisyal kay Pangulong Marcos kung talagang ipipilit nito ang Cha-Cha.

“Mr. President, I hope that you would be able to recall what happened to your father. See to it baka sumunod ka sa yapak ng iyong ama kung iyong ipipilit.”

“Ayaw mo’g sugot, mao ra na akong mensahe. Ayaw mo’g sugot ana kay ngano man? Angayan ba si Marcos nga magpadugay? (Dili!) Angayan ba si Marcos ug tagaan pa nato ug termino? (Dili!) Unsa ma’y iyang abilidad? (Bangag!)” saad pa ni Duterte.

“Huwag kayong papayag, ‘yan lang ang aking mensahe. Huwag kayong papayag. Bakit? Karapatdapat bang magtagal si Marcos? (hindi) karapatdapat ba siyang bigyan ng termino? (hindi) ano ang kaniyang abilidad? (bangag)”

More in National News

Latest News

To Top