Connect with us

Duterte Youth Party-list, kinontra ang isinumiteng MIP ng P3PWD Party-list para sa 2025 Elections

Duterte Youth Party-list, kinontra ang isinumiteng MIP ng P3PWD Party-list para sa 2025 Elections

National News

Duterte Youth Party-list, kinontra ang isinumiteng MIP ng P3PWD Party-list para sa 2025 Elections

Sumugod sa Commission on Election (Comelec) ang kampo ng Duterte Youth Party-list para harangin at kontrahin ang paglahok ng Komunidad ng Pamilya, Pasyente at Persons with Disabilities (P3PWD) Party-list sa 2025 midterm elections matapos itong maghain ng “Manifestation of Intent to Participate” (MIP).

Ayon sa kampo ng Duterte Youth, nilabag ng P3PWD ang alintuntunin ng Comelec dahil hindi nito sinunod ang deadline para sa submission at publication ng MIP.

Ang P3PWD ay pinangungunahan ni dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon.

Giit ng kampo, maliban sa mga komunista ay kaaway nito ang hindi marunong sumunod sa batas.

Matatandaan na una nang nagkaroon ng bangayan sa pagitan ng Duterte Youth at ni Guanzon kung saan kinuwestyon ng kampo ang delayed na substitution na ginawa nito noong nakaraang eleksyon.

“Nagiging patern na po ito kay Commissioner Guanzon na mayapat siya na kilalang tao at dating commissioner ng Comelec ay sa tingin niya hindi na niya kailangang sumunod sa alintuntunin ng Comelec at she is above the law and the law doesn’t not apply to her. Dapat wakasan po ang ganitong practice ni Commissioner Guanzon. Ginawa rin niya po ito sa substitution ng mga party-list kaya nga po ito ay ay under litigation na ngayon sa Korte Suprema kung saan kinuwestyon din namin ang hindi niya pagsunod sa mga patakaran ng Comelec,” ayon kay Legal Counsel, Atty. Ferdinand Topacio.

Samantala, nagkaroon naman ng Multiparty Democracy Summit sa headquarters ng Comelec sa Intramuros Manila bilang paghahanda sa kauna-unahang parliamentary election sa BARMM sa 2025.

Dinaluhan ito ng nasa 9 na political party na gustong lumahok sa halalan.

Nagkaroon ang mga ito ng orientation pagdating sa mga alintuntunin ng Comelec para sa eleksyon kung saan isa sa mga panawagan ng komisyon ay ang pagkakaroon ng mayapang halalan.

Samantala, balak ng Comelec na ma-extend pagkatapos ng June 7 na siyang pasahan ng accreditation ng mga political party na gustong makilahok sa halalan sa BARMM.

More in National News

Latest News

To Top