Connect with us

Duterte Youth, pinatitigil ang posibleng substitution ni Guanzon sa isang party-list

May natitira pang paraan para mapigilan ang pag-upo ni retired COMELEC Commissioner Rowena Guanzon bilang kongresista.

National News

Duterte Youth, pinatitigil ang posibleng substitution ni Guanzon sa isang party-list

Pinakikilos ngayon ng Duterte Youth Party-list ang Kamara na hikayatin ang Comission on Elections (COMELEC) na higpitan ang mga patakaran sa substitution ng nominees sa party-list elections.

Sa inihain na House Resolution no. 2591, ipinunto ni Ducille Marie Cardema na isang panunuya sa batas ang ginagawang substitution o pagpapalit ng nominees isang araw bago ang halalan.

Nawawalang saysay aniya dito ang konstitusyon.

Sa halalan noong 2019, ‘yan mismo ang sinabi ni Rowena Guanzon sa party-list ni Cardema nang sinubukang magpalit ng nominees matapos ang itinakdang deadline ayon sa batas.

Sa isang pahayag na inilabas ngayong araw sa media, sinabi ni Cardema na si Guanzon na mismo ang nagharang sa kanyang sarili sa planong magsubstitute sa P3PWD party-list.

“Ngayon, wala ka na sa gobyerno, a non-party-list nominee who is purported to be the representative of a winning party-list? Not so fast, you are prohibited from substituting now, not by us, but by your own promulgated rules,” ani Rep. Marie Cardema.

Sang-ayon naman ang Commission on Elections sa pahayag ni Cardema.

Ayon kay Acting Comelec Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco ito ay alinsunod sa patakaran ng halalan.

“Yan po yung rule eh. Ang exception lang naman talaga is yung death and incapacity, and at the same time nakalagay naman sa batas ang rules of succession. Kaya nga po minimum of 5, its not just five, its minimum of five nominees. Ano man ang nangyari dun sa mga naunang nominees, mag-aakyatan lang,” ani Atty. John Rex Laudiangco, acting Comelec Spokesperson.

Sa kabila nito ay nilinaw ng tagapagsalita na posibleng mapalitan pa rin ang nominees kung papayagan sila ng COMELEC matapos imbestigahan at nagkaroon ng sapat na dahilan.

“First kung talaga sila ay nanalo at nag-withdraw we have to determine ano ang reason bakit ka nag-wiwithdraw. Una pala identity, kayo ba talaga ang nag file ng con-can, at kayo ba ngayong ang totoong nag-wiwithdraw. 2nd, yung withdrawal niyo ba walang threat, walang collusion, walang conspiracy or pagsasabwatan. 3rd, ano yun reason mo bakit ka  mag-wiwithdraw given  na ito na ang sirkumstansya ng partylist mo? ‘Yan po ang inaalam ng COMELEC that is why hearings are conducted on cases like this,” dagdag pa ni Atty. Laudiangco.

Sa kabila ng lumalaking isyu ng dating commissioner ay nilinaw naman ng COMELEC na wala pa silang natatangap na request para sa inaasahang substitution ni Guanzon.

More in National News

Latest News

To Top