National News
Duter10 senatorial candidates, dumalo sa pagtitipon ng mga manggagawa
Hindi pinalampas ng ilang senatorial candidate mula sa PDP-Laban, o kilala sa tawag na Duter10, ang pagtitipon na ginawa ng mga manggagawa sa Liwasang Bonifacio.
Bitbit nila ang kanilang simpatya at mensahe ng pagkakaisa para sa mga Pilipinong patuloy na umaaray sa bigat ng buhay.
Tuwing unang araw ng Mayo, ginugunita ang Araw ng Manggagawa, isang mahalagang okasyon para kilalanin ang kontribusyon ng bawat obrerong Pilipino sa pag-unlad ng bansa.
Ngunit sa halip na magpahinga, daan-daang manggagawa ang nagtipon sa Liwasang Bonifacio sa Maynila upang ipahayag ang kanilang pagkadismaya sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.
Ang kilos-protesta ay may temang “Sulong Manggagawa para sa Tunay na Pagbabago” isang panawagan para sa hustisya, benepisyo, at reporma sa sistemang tila patuloy na nagpapahirap sa sektor ng paggawa.
Nakiisa sa pagtitipon ang ilang senatorial candidates mula sa PDP-Laban.
Sa kanilang talumpati, ipinaabot nila ang kanilang suporta at pangako sa mga manggagawang matagal nang isinusulong ang kanilang mga karapatan.
Ayon kay Senatorial Candidate Atty. Vic Rodriguez, “Ano ba ang trabaho ng mambabatas ang mambabatas hindi dapat busy sa pamimigay ng AKAP ang mambabatas hindi dapat nakikialam sa oamimigay ng AICS ang mambabatas ang trabaho nila ang hindi parte ang mangmudmod ng ayuda ang mambabatas hindi dapat pinapakialaman ang pondo ng Philhealth.”
Saad naman ni DuterTen Senatorial Candidate Dr. Richard Mata, “Kaya ang aking ambisyon kagaya ngbginawa ni senator bong go gayahin natin na malagyan din ng malasakit centers ang mga private hospitals agree ba kayo? para hindi na kayo lalabas yong pera ipapasok nalang yon ang ginawa ni senator bong go yong wala pan malasakit lalabas pa ang mga tao pupunta sa PCSO DSWD bakit hindi natin gawin sa private hospital.”
Para naman kay Senatorial Candidate Atty. Raul Lambino, “Ang masasabi ko lang ay dapat mas kalidad na batas ang mga dapat gawin at yong mga nandiyan nang mga batas na hindi na po tumutugon sa mga pangangaioangan ng mga pilipino dapat lang baguhin repasuhin at pagtibayin upang maging angkop sa kasalukuyang sitwasyon.”
Pangako ng mga nabanggit na kandidato na sugpuin ang korapsyon sa gobyerno, itaguyod ang mga programang magpapalago sa ekonomiya, at tiyaking makikinabang ang mga manggagawa sa mga benepisyong matagal na nilang inaasam.
Isa raw ito sa mga hakbang para muling mapanumbalik ang tiwala ng taumbayan at maitaguyod ang dignidad ng bawat Pilipino.
