Connect with us

Duty hours ng mga health workers sa bansa, dapat paiksiin – Chinese medical experts

Duty hours ng mga health workers sa bansa, dapat paiksiin - Chinese medical experts

COVID-19 UPDATES

Duty hours ng mga health workers sa bansa, dapat paiksiin – Chinese medical experts

Iminungkahi ng mga Chinese medical experts sa ginawang health forum sa Philippine International Convention Center (PICC) na paiksiin ang duty hours sa mga health workers.

Ayon sa mga Chinese doktors, ito ang isang hakbang na ginawa nila sa Wuhan, China para makaiwas ang mga health personnel sa kontaminasyon ng virus.

Mula sa 8 oras na pagtatrabaho ay gagawin na lamang na 4 na oras o gagawing 4 ang shifting duty ng mga health workers sa isang araw lalo na sa mga humaharap sa kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Pinuri din ng mga Chinese experts ang ginawang pansamantalang quarantine facility ng pamahalaan para sa mga pasyente ng COVID-19.

Dahil dito, sinabi ng Department of Health (DOH) na isang hamon sa kanila ang pagpapatupad nito dahil sa kakaunting bilang ng health personnel sa mga ospital.

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top