National News
DZAR 1026 Sonshine radio, kinilala ang kontribusyon sa larangan ng pamamahayag
Patuloy na umaani ng pagkilala ang Sonshine Media Network Internatonal (SMNI) matapos ginawaran ng parangal ang DZAR 1026 Sonshine Radio Manila mula sa Maharlikang Filipino Awards.
Isinagawa ang parangal sa pamosong Okada-Manila.
Iginawad sa DZAR 1026 ang “Maharlikang parangal para sa NGO, TV, at media.”
Ayon sa award giving body, napili nito ang DZAR dahil sa patuloy na lumalakas na impluwensya sa laragan ng pamamahayag.
Mga oraganisasyon, businessmen, alagad ng sining at iba’t-ibang personalidad na nagpakita ng natatanging abilidad at mahalagang kontribusyon sa kanilang napiling larangan ang binigyan ng pagkilala ng nasabing award giving body.
Ang SMNI naman ay lubos ang pasasalamat sa patuloy na pagmamahal at pagtangkilik na natatanggap nito mula sa mamamayang Pilipino.
Ang DZAR 1026 ay kabilang sa 17 Sonshine Radio stations na bahagi sa multi-media platform ng SMNI na pinangungunahan ni Pastor Apollo C. Quiboloy bilang founding at honorary chairman.
Sa ilalim ng matagumpay na direksyon ni Pastor Apollo ay umani ng papuri ang mga istasyon, programa, at personalidad sa SMNI mula sa iba’t-ibang award giving bodies at ahensya ng pamahalaan.
Bago ang patuloy na pagtanggap ng mga pagkilala ng SMNI ay una nang sinuguro ni Pastor Apollo C. Quiboloy, na patuloy na tatahakin ng network ang direksyon na magbibigay ng makabuluhang balita at serbisyo sa sambayanang Pilipino.
