Connect with us

‘E-Sakay’ electronic jeepneys, inilunsad ngayong araw

INILUNSAD

National News

‘E-Sakay’ electronic jeepneys, inilunsad ngayong araw

INILUNSAD ngayong araw ng pamahalaan at isang pribadong sektor ang ‘E-Sakay’ electronic jeepneys.

Labing limang E-jeep ang binigyan ng permit ng lokal na pamahalaan ng Mandaluyong at Makati para pumasada.

May ruta ang E-jeeps mula MRT-3 Buendia station hanggang Mandaluyong City Hall kung saan sa Jupiter St. ang daan.

Mula alas singko hanggang alas dose ng hating gabi ang byahe nito na may minimum na pasahe na siyam na piso.

Ang bawat e-jeep ay kayang magsakay ng 25 na pasaherong nakaupo at labing lima na nakatayo.

Mayroon din itong electric fan, wifi at security camera sa loob at labas.

Layon ng programa na mabawasan ang polusyon.

DZAR 1026

More in National News

Latest News

To Top