Connect with us

Ebidensya sa pagbabayad ng buwis, iprinisenta ng kampo ni Bongbong Marcos

Ebidensya sa pagbabayad ng buwis, iprinisenta ng kampo ni Bongbong Marcos

National News

Ebidensya sa pagbabayad ng buwis, iprinisenta ng kampo ni Bongbong Marcos

Ipinakita ng kampo ni Presidential Aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang mga dokumentong nagpapatunay na nabayaran nito ang kanyang tax dues sa pamahalaan.

Sagot ito ng kampo ni Marcos sa mga petisyon na nakahain ngayon sa Commission on Elections (COMELEC) para idiskwalipika ang pagtakbong pangulo ni Marcos Jr. sa paparating na 2022 National Elections.

Matatandaan na pinakakansela ng ilang petitioners ang certificate of candidacy (COC) ni Bongbong dahil sa tax evasion conviction nito noong 1995.

Para sa petitioners, bagsak si BBM na tumakbong pangulo dahil hindi raw ito nagbayad ng buwis.

Ngunit para sa kampo ni Marcos, matagal na nilang hawak ang mga dokumentong patunay na walang utang na buwis ang presidential aspirant.

Ang mga dokumentong ipinakita ng kampo ni BBM ay kasama sa mga ebidensya na kanilang isusumite sa COMELEC.

More in National News

Latest News

To Top