Connect with us

EDCA, mas magandang tanggalin na sa Pilipinas — Atty. Roque

Hindi pa malinaw para kay Atty. Roque kung ano ang desisyon ni PBBM hinggil sa hiling ni US VP Harris na dagdagan ang EDCA bases nila

National News

EDCA, mas magandang tanggalin na sa Pilipinas — Atty. Roque

Hindi pa malinaw para kay Atty. Harry Roque kung ano ang desisyon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. hinggil sa hiling ni US Vice President Kamala Harris na dagdagan ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) bases nila dito sa Pilipinas.

Subalit para sa abogado, mas mainam na hindi na dagdagan o tanggalin na lang ang EDCA sa bansa.

“50/50 ‘yan, kasi iisipin din ni presidente ano kayang pwedeng mangyari sa kanya kapag siya’y tumutol sa Amerika. Sa akin naman ‘yun na nga paulit-ulit kong sinasabi. Sige na nga basta repasuhin nandiyan na ‘wag na tanggalin ang NVT pero ang EDCA dapat ng tanggalin. Hindi na tayo dapat pumayag na bigyan pa sila ng mas marami pang base militar na magagamit sa hidwaan sa Tsina. Kasi nga ang ating polisiya ngayon mas makakatulong ang Tsina para paramihin ang pagkain sa hapagkainan. Eh bakit natin pararamihin ang base militar kung pwedeng magamit laban sa Tsina? Bakit natin pararamihin natin ang base militar na magiging magnet para tayo atakihin ng Tsina, maski wala tayo hidwaan sa Tsina,” ayon kay Atty. Harry Roque.

Ang EDCA bases ay isang military base ng Estados Unidos sa loob ng sariling military base ng Pilipinas.

Inaamin ni Roque na magiging mahirap ang magdesisyon tungkol dito ngunit kung ano man ang mangyayari ay susuportahan niya si PBBM.

Samantala, maraming dahilan kung bakit sinasadyang makipagkaibigan ng Estados Unidos sa Pilipinas.

Ayon kay Roque, isa na rito ang ideal na lokasyon ng Pilipinas.

“Ang katotohanan niyan pagdating naman sa panglabas na relasyon ng Amerika sa perception ng Amerika, importante na magkaroon sila ng unsinkable aircraft carrier dito sa Asia sa pamamagitan ng Pilipinas. Dahil mula’t mula talaga namang kinilala ‘yung strategic na lokasyon ng Pilipinas na napakalapit sa Tsina. ‘Di masyadong malayo sa Russia. At kung gusto talagang panatilihin ng Amerika ang kanyang impluwensiya dito sa Asia, ito’y dahil sa bansang Pilipinas,” ani Atty. Roque 

More in National News

Latest News

To Top