Uncategorized
EDCA sites, walang naitulong sa panahon ng sakuna – analyst
Madalas na tinatamaan ng Pilipinas ng mga bagyo dahil sa ating lokasyon na nakaharap sa Karagatang Pasipiko.
Ito ang lugar kung saan madalas na nangyayari ang matinding pagbabago sa temperatura at presyon ng hangin sa pagitan ng mga karagatan at kontinente.
Kaya hindi na bago para sa bansa ang paghahanda para sa mga sakuna kagaya ng bagyo at tungkulin ng gobyerno na ilatag sa mamamayan ang kanilang plano para maiwasan o maibsan ang maaaring epekto nito sa mga Pilipino.
At isa nga sa nakitang mabisang paraan ng Marcos Administration upang makatulong sa disaster preparedness ay ang pagpasok ng mga base militar ng mga Amerikano.
Matatandaan na pinapasok at suportado ni Bongbong Marcos Jr. ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) para daw palakasin ang pagtugon ng Pilipinas sa nga sakuna.
Ngunit imbes na mga pangunahing kagamitan para sa pagresponde sa mga kalamidad ang ilatag ay mga tangke, missile at mga pagsasanay para sa giyera ang ibinida ng mga Amerikano – bagay na ipinagkibit-balikat lang ng mga nasa gobyerno.
Kamakailan ay dumaan ang bagyong Carina sa bansa at dito nasubukan ang pinagmamayabang ng gobyerno na EDCA sites.
Pero nakaalis nalang ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ay ni hindi man lang naramdaman ang presensya ng mga kano.
Nitong Lunes, nagtipon-tipon ang iba’t ibang sektor ng lipunan na ayaw ng giyera upang kuwestyunin ang EDCA site ni Marcos at Amerika.
Para sa geopilitical analyst na si Herman “Ka Mentong” Laurel, halata na masyadong ang maraming propaganda para sa EDCA site, “nahalata naman po natin na maraming propaganda para sa base militar ng Estados Unidos wala namang katotohanan na makakatulong daw sa ating bansa sa kalamidad.”
“Sino ang unang tumugon? ‘Yong sinasabi nilang kalaban ng Pilipinas ang China si Ambassador Huang umiikot sa Metro Manila at nasaan ang Estados Unidos? Nasaan ang EDCA Bases nayan? Nasaan ang mga truck ng relief goods ng Amerikano wala po tayong nakikita so magising na sana ang lahat sa pangloloko ng mga Amerikano na ito.”
Para sa dating intel officer ng CPP-NPA-NDF na si Jeffrey ‘Ka Eric’ Celiz, kabastusan at pagtataksali sa bayan ang ginawa ni Marcos.
Para sa kanya, malinaw na ang biglang pagkambyo ni Marcos Jr. sa kanyang foreign policy ay para lang sa kanilang sariling interes at ginamit lang nito ang mga Duterte upang makuha ang kanilang gusto.
Sinabi naman ng dating NTF-ELCAC official na si Dr. Lorraine Badoy na ang kasalukuyang gobyerno ay tuta na ng Amerika.
Binigyang diin pa nito na kalokohan lang ang EDCA sites, “Ang kalikasan na mismo ang nagtanggal ng mga maskara nila nasaan ang Amerika may bakita ba kayo wala diba? So kalokohan ang mga sinasabi nila.”