Connect with us

EJ Obiena, may panibagong goal sa pole vaulting

ej-obiena-may-panibagong-goal-sa-pole-vaulting

Sports

EJ Obiena, may panibagong goal sa pole vaulting

Target ni EJ Obiena na makapag-clear ng hanggang 6.10 meters sa pole vaulting.

Bahagi aniya ito ng kanyang goal ngayon para maituring na “best athlete” sa ilalim ng kanyang Ukrainian coach na si Vitaly Petrov.

Sa record, hanggang 6.00 meters na ang naabot ni Obiena.

Ito ang dahilan para pangalawa ito sa rankings ng pole vaulting kasunod kay Armand Duplantis ng Sweden noong 2023 World Championships sa Hungary.

Kung kasaysayan naman ang sisilipin, tatlong athlete pa lang ang nakaabot, nai-clear at nalagpasan ang 6.10 meters.

Isa na nga rito si Duplantis na umabot ng 6.26 meters, Renaud Lavillenie ng France na umabot ng 6.16 meters, at 6.15 meters ni Sergey Bubka ng Ukraine kung saan coach rin nito si Petrov.

Sa ibang balita, naniniwala sina Kim Malabunga at Buds Buddin ng Alas Pilipinas na magiging inspirasyon ng younger generation ng Pinoy volleyball players ang pagiging host country ng bansa sa 2025 FIVB men’s Volleyball World Championship.

Isang karangalan rin ito para sa Pilipinas lalo na’t ang bansa palang ang kauna-unahan sa Southeast Asia na maging host sa pinakamalaking men’s volleyball tournament.

Binigyang-diin naman ni Sen. Alan Peter Cayetano na magsisilbing “pampagana” ang tournament para maibida ang turismo ng bansa.

Aniya, makakaakit ito ng milyun-milyong fans sa buong mundo dahil tiyak na dadayo sa Pilipinas ang Koreans, mga Chinese at Japanese maging ang iba pang Southeast Asians na mahilig manood ng volleyball games.

Sa naturang tournament sa 2025, kasama ng Pilipinas sa Pool A ang Tunisia, Egypt, at Iran.

Kung magkakaroon ng tsansa at makaabante sa susunod na round, maaaring makakalaban ng Alas Pilipinas ang mga volleyball powerhouse na Italy, France, Poland at Brazil.

More in Sports

Latest News

To Top