Sports
EJ Obiena, nasa Pilipinas para mag-training
Nagsasagawa ngayon ng isang buong training camp sa Cavite si pole vaulter EJ Obiena.
Kasama niya sa pagsasanay ang kanyang coach na si Vitaly Petrov, physiotherapist na si Christian Ferdinandi, at ang Saudi Arabian pole vaulter na si Hussain Al Hizam.
Bahagi na ito sa paghahanda ni Obiena sa outdoor season na gaganapin sa China at South Korea, at maging sa Southeast Asian Games.
Ang pagbabalik din ni Obiena sa Pilipinas ay hakbang para makaiwas sa mahahabang mga biyahe dahil sa Asya lang aniya sunod-sunod na mga kompetisyon.
