Connect with us

Ekonomista sa $500-M military aid: Igigisa tayo sa sarili nating mantika

Ekonomista sa $500-M military aid: Igigisa tayo sa sarili nating mantika

National News

Ekonomista sa $500-M military aid: Igigisa tayo sa sarili nating mantika

Bumisita sa bansa kamakailan sina na US Secretary of State Antony Blinken and Defense Secretary Lloyd Austin III para sa 2+2 ministerial dialogue kasama sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Defense Secretary Gilbert Teodoro, Jr.

Sa pagbisita ng dalawang opisyal ng Estados Unidos ay muling pinagtibay ang relasyon ng Pilipinas at ng Amerika.

Kasabay nito, nangako ang Amerika ng $500 million military financing para sa Pilipinas sa gitna ito ng tensyon sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea sa pagitan ng China.

Pero ang tanong ng marami, bigay ba ang naturang halaga?

Sa ekslusibong panayam kay Dr. Michael Batu, isang ekonomista, sinabi nito na ang halaga ay hindi bigay, bagkus ito ay babayaran.

Bukod sa utang ito, ang masaklap pa ani Dr. Michael Batu ay talong-talo dito ang Pilipinas sakaling maaprubahan ito ng US congress.

Aniya, “ngayon, given assuming na maipasa ito, babayaran pa rin natin ito at ang makikinabang pa rin nito ay Estados Unidos. Bakit ko nasabi na Estados Unidos pa rin ang makikinabang. Kasi ang mangyayari mga kababayan sa Estados Unidos rin tayo bibili ng mga kagamitan at armas. Sila ang nagpa-utang sa atin and then yung pera na iyan na gagamitin natin pambili ng mga kagamitan at armas mula sa kanila, edi para tayong ginigisa sa sarili nating mantika diyan sa policy na iyan.”

Maliban naman sa igigisa tayo nito sa sarili nating mantika, no choice rin daw ang Pilipinas sa pagpili kung anong armas at kagamitan ang nais nating bilhin.

“We have no choice really because we have to purchase weapons and armaments kung ano yung ibinigay sa ating listahan ng us defense department. So ganoon yung mangyayari niyan,” sabi ng ekonomista.

Dagdag pa nito, “The problem with partnering the United States. The United States of America very onerous mga kababayan. Ang ibig sabihin ng onerous, puro kanila ganid na bansa yang Estados Unidos sa totoo lang.”

Nanawagan naman si Batu sa mga mambabatas na imbestigahan ang $500-M military aid bagamat wala pang kasiguraduhan kung maisasakatuparan nga ito dahil na rin sa lagay ngayon ng pulitika sa Estados Unidos.

More in National News

Latest News

To Top