Connect with us

Ekonomiya ng bansa sa 1st quarter ng taon, tumaas sa 8.3%

Ekonomiya ng bansa sa 1st quarter ng taon, tumaas sa 8.3%

National News

Ekonomiya ng bansa sa 1st quarter ng taon, tumaas sa 8.3%

Lumago ang ekonomiya ng bansa sa unang 3 buwan ng taong 2022.

Sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), naitala sa 8.3% ang gross domestic product (GDP) ng Pilipinas sa unang quarter ng taon.

Ito ay mas mabilis kumpara sa 7.7% na naitala noong ikaapat na quarter ng 2021.

Sa naitalang pagtaas ng GDP, ang services ang nagtala ng pinakamataas na kontribusyon na 5.1% points sinundan ito ng industry na nagtala ng kontribusyon na 3.1 percentage points habang ang agriculture, forestry, and fishing ay nakapag-ambag ng 0.02 percentage point sa kabuuang pagtaas ng GDP.

Dahil sa pagpapaluwag ng mga restriksyon at recovery effort ng gobyerno, nauna nang sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na maaring bumalik na sa pre-pandemic growth ang ekonomiya ng bansa ngayong taon.

More in National News

Latest News

To Top