National News
Ekonomiya ng Pilipinas, patuloy na lalago ngayong taon – ekonomista
Patuloy na lalago ang ekonomiya ng Pilipinas sa nalalabing bahagi ng taon.
Ito ang sinabi ng ekonomistang si Dr. Michael Batu, sa gitna aniya ng agresibong pagsisikap ng gobyernong Marcos na ihatid ang bansa tungo sa post-pandemic recovery.
Saysay pa ni Dr. Batu, mananatiling matatag ang macro-economic fundamentals ng Pilipinas na pinatutunayan ng patuloy na paglago ng ekonomiya.
Pananaw pa ng ekonomista, lalago pa ang ekonomiya dahil sa muling pagbubukas ng iba pang sektor ng ekonomiya ng Pilipinas habang dahan-dahang nakaaahon ang bansa mula sa epektong dala ng pandemya.
Samantala, inihayag pa ni Dr. Batu na may patunay ding pababa na rin ang inflation, bagama’t hindi 100%, pero may indicators na marahil bababa na ito ngayong Enero.