Connect with us

Electrical maintenance activity, isinagawa sa NAIA Terminal-2

Electrical maintenance activity, isinagawa sa NAIA Terminal-2

Metro News

Electrical maintenance activity, isinagawa sa NAIA Terminal-2

Kinumpirma ng Manila International Airport Authority (MIAA) na nagsagawa na naman sila ng scheduled electrical maintenance work na nagsimula alas 12 ng hatinggabi hanggang ala 1:30 ng umaga, araw ng Huwebes, ika-14 ng Marso.

Ginagawa nila ang ganitong oras ng aktibidad dahil ito ang oras na walang masyadong iskedyul ng lipad ang mga eroplano sa NAIA.

Gayunpaman ayon sa ahensya gumagana naman ang generator set para tuloy-tuloy ang power supply sa vital facilities upang tiyakin na hindi rin maapektuhan ang mga pasahero habang isinasagawa ang electrical maintenance.

Ang mga naapektuhang lugar ng electrical maintenance activities ay ang buong North Wing arrival, departure, at rotunda building sa NAIA Terminal-2.

Tiniyak din ng MIAA na wala ring naapektuhang flights sa isinagawang aktibidad.

More in Metro News

Latest News

To Top