Connect with us

Enrile, kinuwestyon ang makakaliwa kung saan ginastos ang kanilang pondo

Enrile, kinuwestyon ang makakaliwa kung saan ginastos ang kanilang pondo

National News

Enrile, kinuwestyon ang makakaliwa kung saan ginastos ang kanilang pondo

Matapos kwestiyunin at subukang hadlangan ng makakaliwang mambabatas ang confidential fund at ang mismong pondo ng Office of the Vice President (OVP), sila na naman ngayon ang kinuwestiyon ni Chief Presidential Legal Counsel Sec. Juan Ponce Enrile.

Sa kanyang programa sa Sonshine Radio, hinanap ni Enrile kung saan na napunta ang taunang pondo ng gobyerno na ibinigay sa mga makakaliwang mambabatas para sa kanilang party-list.

Matatandaan na kinilala ng pumanaw na Communist Party of Philippines (CPP) founder na si Joma Sison ang mga party-list na bumubuo ng Makabayan Bloc sa kongreso bilang legal fronts ng komunistang teroristang grupo partikular na dito ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) Party-list, Gabriela Party-list at Kabataan Party-list.

Una na rin pinagplanuhan ng makakaliwang kongresista na ipa-impeach o patalsikin si Vice President Sara Duterte dahil sa P125-M confidential fund ng OVP na ayon sa kanila ay wala umanong ‘congressional authorization.’

Paliwanag ni Enrile, walang basehan ang akusasyon na ito ng mga makakaliwa dahil wala namang budget ang OVP na hindi dumaan at inaprubahan ng kongreso at tiniyak na hindi pag-iinteresan ng bise-presidente ang naturang pondo.

Dagdag pa ng dating Senate president, hindi naman magkakaroon ng confidential funds at intelligence funds ang gobyerno kung wala ring nanggugulo tulad ng ginagawa ng makakaliwang grupo.

Ipinunto pa ni Enrile, walang ibang hangarin ang makakaliwa kundi maging kagaya ang Pilipinas sa mga bansang komunista tulad ng Cuba, Nicaragua at iba pa na ngayon ay lugmok pa rin sa kahirapan.

Sa huli, binigyang-diin ni Enrile na ginagamit lang ng mga komunista ang kanilang organisasyon maging ang kanilang armed group na New People’s Army (NPA) para magpakasasa.

Matatandaan na pinaigting ngayon ni Vice President Duterte ang kampanya ng OVP at ng Department of Education (DepEd) bilang kalihim nito ang kampanya laban sa recruitment ng makakaliwang grupo sa mga paaralan sa buong bansa.

More in National News

Latest News

To Top