Connect with us

EO na nagdedeklara ng public health emergency kontra COVID-19, pirmado na ng pangulo

EO na nagdedeklara ng public health emergency kontra COVID-19, pirmado na ng pangulo

National News

EO na nagdedeklara ng public health emergency kontra COVID-19, pirmado na ng pangulo

Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order na naglalayong ideklara ang Public Health Emergency matapos maitala ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Sa ilalim ng nasabing kautusan ay kontrolado na ng bansa ang presyo ng basic commodities at maaari na din bumili ng medical equipment ng hindi na kailangan dumaan pa sa bidding process kabilang na ang pagpapaigting sa monitoring at quarantine procedures kontra COVID-19.

Nauna nang sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na inihahanda na ng pamahalaan ang P2 bilyong halaga ng supplemental fund upang tugunan ang epekto ng COVID-19 sa bansa.

Pinirmahan ng pangulo ang EO matapos itaas ng Department of Health (DOH) sa Code Red Sub-Level 1 ang COVID-19 alert system noong Sabado dahil sa kumpirmasyon ng local transmission sa bansa.

Sa ngayon ay umabot na sa 10 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa matapos maitala ang karagdagang 4 na kaso kahapon, Marso 8.

More in National News

Latest News

To Top