Connect with us

Epekto ng matinding init sa mga klase, tatalakayin sa Senado

Epekto ng matinding init sa mga klase, tatalakayin sa Senado

National News

Epekto ng matinding init sa mga klase, tatalakayin sa Senado

Nakatakdang magsagawa ang Senado ng pagdinig bukas, Abril 30, upang talakayin ang epekto ng matinding init sa mga klase at sa pagpapatupad ng alternative delivery modes (ADMs).

Ang imbestigasyon ay pangungunahan ng Senate Committee on Education na pinangungunahan ni Senador Win Gatchalian.

Nais balikan ng senador ang mga insidente kung saan sinuspinde ang klase sa maraming mga lugar dahil sa matinding init. Ayon kasi sa state weather bureau (PAGASA), maaaring umabot sa extreme danger heat index o 52°C pataas ang temperatura sa ilang lugar sa bansa dahil sa El Niño.

Una nang binigyang diin ng Department of Education (DepEd) na sa panahon ng sakuna o kalamidad, kabilang ang matinding init, maaaring magsuspinde ang mga punong-guro ng face-to-face classes at magpatupad ng blended learning.

Bagama’t sinimulan na ng DepEd ang unti-unting pagbabalik sa dating school calendar na magsisimula sa Hunyo, hinimok ni Gatchalian ang ahensya na pag-aralan kung maaari pang magpatupad ng mas maikling transition period.

More in National News

Latest News

To Top