National News
ERC chair, nahaharap sa isang 6-month preventive suspension
Nahaharap sa anim na buwang preventive suspension si Energy Regulatory Commission (ERC) Chairperson Monalisa Dimalanta.
Ang basehan ng preventive suspension mula sa Office of Ombudsman ay ang inihaing kaso ng National Association of Electricity Consumers for Reforms (NASECORE).
Ayon sa NASECORE, bigo si Dimalanta na muling kalkulahin ang rate ng Meralco upang maprotektahan ang interes ng publiko.
Malinaw na pang-aabuso anila ito sa kapangyarihan at kapabayaan sa kanyang tungkulin.
Ayon sa Ombudsman, maaaring maging rason rin ito upang tuluyang matanggal sa serbisyo si Dimalanta.