Connect with us

Escudero, sinabing ‘di sila magkalaban ni Zubiri

Escudero, sinabing 'di sila magkalaban ni Zubiri

National News

Escudero, sinabing ‘di sila magkalaban ni Zubiri

Binigyang-diin ni Senate President Francis Escudero na hindi sila magkalaban ni Sen. Migz Zubiri at ng mga kaalyado nito na kung tawagin ay “Magic 7”.

Sa katunayan, ninanais niya na makatrabaho si Zubiri at mga kaalyado nito sa pagtataguyod ng mga legislative agenda ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Nilinaw lang ni Escudero na ang pagkakaroon ng panibagong leader sa isang legislative body ay normal lang o bahagi ng proseso.

Kasabay nito ay pinabulaanan rin ng bagong Senate president na ang imbestigasyon ni Sen. Bato Dela Rosa hinggil sa leaked document ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isa sa mga rason kung bakit napatalsik sa puwesto si Zubiri.

Sa pagbabalik ng 19th Congress sa Hulyo ay umaasa si Escudero na magiging maayos na rin ang relasyon nilang mga senador lalong-lalo ang grupo ni Zubiri.

Ang Magic 7 ay ang mga senador na sina Loren Legarda, Joel Villanueva, Sonny Angara, Nancy Binay, JV Ejercito at Sherwin Gatchalian.

More in National News

Latest News

To Top