National News
Estudyante sa Quezon City, arestado sa droga; 6.8M halaga ng shabu, nasamsam
Arestado ang 1 estudyante na kinilalang si Alyas “Moli,” 21, lalaki, residente ng Tandang Sora, Quezon City, kasunod ng ikinasang drug buy-bust operation ng mga Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) RO NCR kasama ang Philippine National Police Drug Enforcement Group – Special Operations Unit (PNP DEG SOU), sa isang parking lot sa Quezon City Circle, Elliptical Road, Quezon City.
Nasamsam mula sa suspek ang 1 self-sealing plastic bag na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na mahigit kumulang 1 kilo na may standard drug price value na Php6,800,000.00.
Bukod sa ilegal na droga, nakumpiska rin mula sa suspek ang isang cellular phone, buy-bust money, at isang black paper bag na may label na “Oakley.”
Iniimbestigahan na rin ang suspek sa posibleng pinagkukunan ng ilegal na droga.
Mahaharap ang naarestong suspek sa kasong paglabag sa Section 5 ng Art. II ng RA 9165.
