National News
EU ambassador to ASEAN, bumisita sa DND
Nag-courtesy call si European Union (EU) Ambassador to the ASEAN at concurrent EU Special Envoy to Myanmar Igor Driesmans kay Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Camp Aguinaldo, Quezon City.
Kapwa nagpahayag ng pagkabahala ang dalawang opisyal sa kasalukuyang sitwasyon sa Ukraine kabilang na ang kondisyon ng mga sibilyan.
Pinasalamatan ni Driesmans ang suporta ng Pilipinas sa United Nations General Assembly (UNGA) Resolution na nag-oobliga sa Russia para ihinto ang military operations sa Ukraine.
Sa bahagi naman ni Lorenzana, nagpasalamat ito sa patuloy na panawagan ng EU para sa kapayapaan at seguridad sa West Philippine Sea, at pagsunod sa international law, at sa rules-based order sa rehiyon.
Ibinahagi din ni Lorenzana na nananatili pa rin ang harassment at provocations mula sa China.
Samantala, binigyang-diin ni Driesmans ang ika-45 anibersaryo ng ugnayan ng ASEAN-EU at nilalayon nitong mag-host ng Commemorative Summit sa pagtatapos ng taon.
Umaasa rin ito sa aplikasyon ng EU sa Observership Program ng ASEAN Defense Ministers’ Meeting (ADMM)-Plus Experts’ Working Groups (EWGs).