COVID-19 UPDATES
Europe, idineklarang panibagong epicenter ng coronavirus
Itinuturing na ngayon bilang bagong epicenter ng ang Europa.
Ayon sa US Center for Disease Control and Prevention (CDC), ito ay dahil mahigit 70% ng panibagong kaso ng COVID-19 ay nanggaling sa Europa.
Dahil dito binansagang “New China” ng CDC ang Europe sa gitna ng patuloy na pagtaas ng kaso ng virus sa kontinente.
Batay naman sa Danish health authority kung pagbabasehan ang day-by-day developments, ang Europe ang mayroong pinakamalaking COVID-19 case growth.
Sa tala ng European Center for Disease, mayroon nang 22,000 na kaso ng naturang sakit sa Europa kung saan 943 dito ang nasawi.