National News
Evacuation ng mga Pilipinong sakay ng cruise ship sa Japan, pinaplano na
Pinaplano na ng Department of Health o DOH ang pagsasagawa ng evacuation ng mga Pilipinong nakasakay sa Diamond Princess cruise ship na nakadaong sa Yokohama, Japan.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, nakikipag-ugnayan na ang Inter-Agency Task Force para sa posibilidad ng evacuation ng nasa 538 pinoy na nakasakay sa nasabing barko na apektado ng .
Pero nilinaw ni Duque na hindi sapilitan ang evacuation kung saan nasa Pinoy crew at mga pasahero na ang desisyon kung uuwi sila ng Pilipinas.
Base naman sa ulat ng embahada ng Pilipinas sa Tokyo, bukod sa 11 Pinoy seafarers na unang nagpositibo sa COVID-19. Nadagdagan pa ito ng 16 na iba pa na nagpositibo sa masabing virus.
Regular naman na nakikipag-ugnayan sa mga Pilipino sa mga ospital ang ilang tauhan ng embahada ng Pilipinas sa Tokyo at tinutugunan nang maayos ang pagpapagamot sa mga ito.