Connect with us

Ex-Governor Nur Misuari, guilty sa kasong graft

Ex-Governor Nur Misuari, guilty sa kasong graft

Regional

Ex-Governor Nur Misuari, guilty sa kasong graft

Guilty si dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor Nur Misuari at 6 na iba pa ng 2 counts ng kasong graft.

Ayon sa Sandiganbayan Third Division, kaugnay ito sa ghost purchases noong taong 2000 hanggang 2001 ng learning materials na nagkakahalaga ng P77-M.

Dahil dito ay nasentensyahan si Misuari ng 6 hanggang 8 taon na pagkakakulong para sa bawat count ng graft case.

Maliban pa ito sa pagkakadiskwalipika niya na magkaroon ng posisyon sa anumang public office.

Nauna nang sinabi ni Misuari na wala siyang kinalaman sa naturang P77-M transaksyon.

Aniya pa, panahon ng sumunod niyang gobernador noong 2003 hanggang 2004 nakumpleto ang pagbili ng kontrobersyal na learning tools.

Taong 2018 nang pinapa-dismiss ni Misuari ang naturang kaso sa kanya dahil sa pahayag nito, walang ebidensya na mag-uugnay sa kanya sa irregular na transaksyon.

Hindi naman pinagbigyan ng Sandiganbayan ang kanyang apela subalit taong 2019 nang maghain ito ng motion for reconsideration.

Continue Reading
You may also like...

More in Regional

Latest News

To Top