Connect with us

Exemption na ibinigay para sa ilang proyekto sa Batangas, sinuspinde ng Comelec

Exemption na ibinigay para sa ilang proyekto sa Batangas, sinuspinde ng Comelec

National News

Exemption na ibinigay para sa ilang proyekto sa Batangas, sinuspinde ng Comelec

Sinupinde ng Commission on Elections (COMELEC) ang exemption na ibinigay sa ilang proyektong may kinalaman sa ayuda ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas.

Partikular na tinutukoy ang cash for work at hot meals para sa mga biktima ng Severe Tropical Storm Kristine at Bulkang Taal.

Pati na rin ang kanilang scholarship at educational assistance at ang employment assistance program.

Dahil ito sa pangambang maaaring gamitin upang impluwensyahan ang mga botante.

Sa reklamo ng isang grupo doon sa batangas, ang pagpapatupad ng mga programa sa gitna ng kampanya ay maaaring magbigay ng hindi patas na kalamangan para kay Governor Hermilando Mandanas na tumatakbo bilang vice governor sa darating na halalan.

Ang kabuoang proyekto ay nagkakahalaga ng P273-M.

More in National News

Latest News

To Top