COVID-19 UPDATES
Extended ECQ, tamang panahon para ipatupad ang mass testing – Sen. Gatchalian
Ikinatuwa ni Senator Sherwin Gatchalian ang naging hakbang ng pamahalaan na palawigin pa ang enhanced community quarantine sa buong Luzon.
Aniya, ito ang tamang panahon para makapagpapatupad ng mass testing.
Kaya naman hinihikayat ni Gatchalian na suportahan ng bawat local government units (LGUs) ang gagawing mass testing sa April 14 na magbibigay na mas malinaw datos sa DOH kung paano mapapabagal ang pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Dagdag ng senador na dapat may target number of test ang pamahalaan bago matapos ang lockdown at bigyang prayoridad ang mga persons under monitoring (PUM), persons under investigation (PUI), frontliners at kabilang na rin ang asymptomatic patients.
Samantala, sinabi rin ng senador na ito ang panahon para sa ilang concerned agencies na i-realign ang budget sa kanilang mga suspended program dahil sa COVID-19 crisis para magamit sa pagbibigay-ayuda sa mamamayan.