COVID-19 UPDATES
Extension ng enhanced community quarantine, suportado ni Cong. Salceda
Hindi pa napapanahon ayon kay Cong. Joey Salceda na i-lift ang enhnaced community quarantine sa buong Luzon matapos ang nakatakdang petsa nito.
Sa panayam ng SMNI News kay Salceda na siyang chairman ng House Ways and Means Committee, sinabi nitong walang pang sapat na medical data ang bansa para ipatigil ang lockdown.
Aniya, dapat ay madagdagan muna ang mga testing kits para lubusang madetermina ang posibilidad ng pagkalat o kung paano masusugpo ang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Dagdag pa ni Salceda na base rin sa mga pag-aaral, 6-8 weeks o 49 araw ang pinaka-advisable na dapat itagal ng isang lockdown.
Aniya kapag maagang ibinalik sa normal ang galaw ng isang lugar o bansa ay malaki ang tsansang makapagtala pa ng mas maraming kaso ng sakit.
“Pag ‘yan po ay ni-lift natin between March 17 to April 14, kulang pa nga po ‘yan ng 30 days. So pag mayroon tayong pre-matured lifting, andiyan po ang napakalaking peligro na may sudden increase tayo ng mga infection.”