National News
External defense assets ng AFP, palalakasin ngayong 2024
Palalakasin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang external defense assets ngayong taon.
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, ang seguridad na sa West Philippine Sea (WPS) ang kanilang tutukan sa lalong madaling panahon kung tuluyan nang mawakasan ang insurhensya sa bansa.
Target nila na ma-enjoy ng mga Pilipino ang anumang yamang dagat lalong-lalo na sa tradisyonal na fishing grounds sa nabanggit na bahagi ng karagatan.
Nakipag-ugnayan na rin ang AFP sa Philippine Coast Guard (PCG) para matulungan ito sa kanilang mga operasyon.
