Connect with us

Extradition request ng PH gov’t para kay Arnie Teves, pasado na sa Ministry of Justice ng Timor Leste – DOJ

Extradition request ng PH gov't para kay Arnie Teves, pasado na sa Ministry of Justice ng Timor Leste – DOJ

National News

Extradition request ng PH gov’t para kay Arnie Teves, pasado na sa Ministry of Justice ng Timor Leste – DOJ

Hindi pa rin masabi ng Department of Justice (DOJ) kung kailan mapapauwi ng bansa si ex-Cong. Arnie Teves na nahaharap sa patong-patong na kaso dahil sa pagkamatay ni Negros Oriental Gov. Roel Degamo noong March 4. 2023.

Pero ayon kay Justice Spokesperson Asec. Mico Clavano, lusot na sa Ministry of Justice ng Timor Leste ang extradition request ng PH gov’t para kay Teves.

Sa ngayon, hinihintay nalang nila na makapasa sa Court of Appeals (CA) ng Timor ang extradition ni Teves.

“Preparations is on the way, hinihintay pa namin ang Court of Appeals doon sa Timor Leste dahil pinasa na ng Ministry of Justice ang ating request sa CA, ‘yung proseso po kasi diyan, dadaaan po muna sa screening ng Ministry of Justice ‘yung extradition request natin, pasado na po, finorward na po ang ating extradition request sa Court of Appeals,” ayon kay DOJ, Spokesperson, Asec. Mico Clavano.

Pero kung kailan lalabas ang desisyon ng CA sa request ng PH gov’t, hindi pa masabi ng DOJ.

Ayon kay Clavano, wala silang magagawa kundi ang maghintay sa direksyon ng gobyerno doon. Sa kabila nito’y umaasa ang DOJ na sa susunod na mga linggo ay lalabas na ang desisyon ng korte.

“Kailangan po muna nating maghintay, at maging patients sa desisyon ng Court of Appeals dahil hindi naman natin teritoryo ‘yun. We will just have to abide and comply nu to the direction and decision of the CA pero po ang timeline po natin diyan ay in the next few weeks, we hope to receive already the decision of the CA of Timor Leste,” dagdag pa nito.

Samantala, tuloy-tuloy din ang ginagawang paghahanda ng DOJ para sa mga isasampang environmental case laban sa China.

Ayon kay Atty. Clavano, umaasa sila na sa tulong ng Office of the Solicitor General ay mabubuo na nila ang reklamo laban sa nabanggit na bansa sa mga susunod na linggo.

“Continuous po ang ugnayan o coordination ng DOJ, nang SolGen, dito sa environmental cases na ito. Kailangan ho natin, mapatibayin ang lahat ng mga ebidensya, na kailangang i-attach sa ating complaint, although, confident naman po tayo na in a few weeks, ay mabuo na ‘yung ating complaint at ‘yung mga attachment na ebidensya,” ani Clavano.

More in National News

Latest News

To Top