Connect with us

Extraordinary rendition, pakay vs. Pastor ACQ

Extraordinary rendition, pakay vs. Pastor ACQ

National News

Extraordinary rendition, pakay vs. Pastor ACQ

Naniniwala rin si Atty. Harry Roque gaya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na dapat kapwa Pilipino ang naglilitis sa sinumang humaharap ng isang kaso sa bansa.

 

Aniya, “Bakit ba tayo pumapayag pa na nanghihimasok ang mga dayuhan gaya ng mga Amerikano? Lalong-lalo na sa pagbibigay-katarungan sa ating mga kababayan?”

 

Ang pahayag na ito ni Roque ay buhat sa inilabas na freeze order ng Court of Appeals kasunod sa hiling ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na i-freeze ang mga account at property ng the Kingdom of Jesus Christ.

Partikular na dito ang anumang may kaugnayan kay Pastor Apollo C. Quiboloy at ng iba pang indibidwal, gaya ng mga kilalang institusyon tulad ng Children’s Joy Foundation Inc. at ng SMNI.

Punto ng mga legal counsel ng KOJC, isa sa mga pinagbatayan ng korte ay ang mga akusasyon laban kay Pastor Apollo sa Amerika.

Ang nakakapagtaka nga lang anila ay bakit nang dahil sa reklamo ng isang tao ay damay pati ang mga property na wala naman anilang direktang may kinalaman sa ibinabatong akusasyon.

 

“There were many questions that were asked during the hearing and I hope that we will be able to satisfactorily answer all the questions that were asked.

Raise all the questions that need to be raised including the questions that you are asking here regarding bakit isa lang ang nagrereklamo, and how can it relate to a freeze order for all the properties of the Kingdom, Children’s Joy Foundation, SMNI, Waxi’s- including Waxi’s- pati Waxi’s I think nakasama,” ani Atty. Dina Tolentino- Fuentes, isa sa mga abogado ng KOJC.

 

Dagdag naman ni Roque, hindi biro ang ganitong hakbang ng korte lalo na’t direkta itong makakaapekto sa karapang-pantao dahil lamang sa akusasyong wala pa namang krimeng napatunayan.

Samantala, ayon naman sa resident minister ng KOJC na si Bro. Carlo Catiil, sa apat na dekada ng kanilang paglilingkod, ngayon lamang sila nakaranas nang ganitong panggigipit.

Iyan ay dahil umano sa rehimeng Marcos Jr. na nakipagkuntsabahan na sa mga Amerikano na mismong kumukumpas sa operasyon laban kay Pastor Apollo.“Ang Kingdom of Jesus Christ, 40 years na po kami. Hindi po kami naka-experience ng ganito for the past years, for the past administration po. Ngayon lang po. ‘Yung panggigipit, ‘yung pangha-harass, lahat ng injustices, ginagawan po kami ng kaso- ang aming mahal na pastor ginagawan po ng mga kaso na wala naman pong basehan.”

 

Kaugnay dito, muling binigyang-diin ang planong extraordinary rendition ng Amerika kay Pastor Apollo.

Matatandaang una nang inihayag ng butihing pastor ang ganitong plano laban sa kanya dahilan kung bakit hindi siya nagpapakita sa publiko.

Ayon kay Roque, posibleng mangyari talaga ito lalo na’t ligal na ginagagawa ang rendition sa Amerika. “Dito lang sa America may ganyang jurisprudence at sila rin ang nagpauso ng rendition na dahil may mga impormasyon silang kinakailangan- bawal ma-norture sa kanilang bayan- dadalhin nila sa lugar na hindi sa Amerika, pero kung saan pupwedeng mag-torture. ‘Yun nga ‘yung tinatawag na rendition.”

 

Samantala, ayon din sa mga political analyst, isa sa mga dahilan kung bakit nangyayari ito kay Pastor Apollo ay dahil kilala siyang kaalyado ng mga Duterte.

More in National News

Latest News

To Top