Connect with us

F2F classes sa mga pampublikong paaralan, 2 araw na suspendido dahil sa matinding init ng panahon

F2F classes sa mga pampublikong paaralan, 2 araw na suspendido dahil sa matinding init ng panahon

National News

F2F classes sa mga pampublikong paaralan, 2 araw na suspendido dahil sa matinding init ng panahon

Suspendido ng 2 araw ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa mga pampublikong paaralan sa bansa ayon sa Department of Education (DepEd).

Sabi ng DepEd, ito ay dahil sa inaasahang mataas na heat index o damang init na papalo sa 42°C – 47°C na maaaring maranasan sa higit sa 30 lugar sa bansa.

Lahat ng antas ng pampublikong paaralan sa April 29 at 30 ngayong 2024 ay magpapatupad ng asynchronous classes o distance learning.

Ayon pa sa DepEd na ang mga guro at kawani sa lahat ng pampublikong paaralan ay hindi kinakailangang mag-report sa kanilang mga nakatalagang estasyon.

Ang mga inorganisang aktibidad naman ng mga regional at schools division offices, tulad ng mga Regional Athletic Association Meets at iba pang mga programa, na gaganapin sa mga nabanggit na petsa ay maaaring ituloy basta’t may mga hakbang para sa kaligtasan ng lahat ng mga lalahok.

Ang mga pribadong paaralan ay hindi sakop ng suspensyon ng face-to-face classes ngunit may opsyon silang ipatupad ang parehong hakbang ayon sa DepEd.

More in National News

Latest News

To Top