Metro News
Face mask, mandatoryo pa rin sa public transport at health facilities
Inihayag ng Department of Health (DOH) na nanatiling mandatory pa rin ang pagsuot ng facemask sa ilang indoor settings.
Ito ay kasunod ng anunsyo ng na magiging boluntaryo na lamang ang pagsuot ng facemask sa indoor.
Ayon kay OIC Usec. Maria Rosario Vergerie, kailangan pa ring magsuot ng facemask sa loob ng mga healthcare facilities tulad ng clinics, hospitals, laboratories, nursing homes at dialysis clinics.
Mandatoryo din ito sa medical at public transport.
