National News
Face mask policy, mananatili hanggang matapos ang COVID-19 pandemic – Galvez
Mananatiling mandatory ang pagsusuot ng face mask hanggang matapos ang COVID-19 pandemic.
Ito ang inihayag ni National Task Force (NTF) against COVID-19 chief implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr.
Iginiit na Galvez na hanggang hindi pa natatapos ang pandemya at hindi pa ligtas at totally eliminated na ang COVID-19 ay hindi matatanggal ang face mask.
Ayon kay Galvez, sa ngayon ay hindi pa pinag-uusapan ang ukol sa pagtanggal ng face mask policy dahil ito ang huling polisiya na aalisin.
Una nang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na hindi siya naniniwala na malapit na ang panahon ng pagtanggal ng mandatory face mask policy lalo na aniya ngayon na may campaign rallies.