Connect with us

Face-to-face classes sa Maynila, suspendido

Face-to-face classes sa Maynila, suspendido

Metro News

Face-to-face classes sa Maynila, suspendido

Suspendido ngayon ang face-to-face classes sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Maynila.

Ito ay dahil nasa danger level ng init ng panahon.

Sa forecast ng Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO), aabot ngayong araw ng Miyerkules, Abril 24, sa 43°C ang heat index o init factor sa Lungsod ng Maynila.

Pinapayuhan ng Manila LGU ang mga paaralan na lumipat muna sa asynchronous na pamamaraan ng klase.

Sa ilalim ng asynchronous, maaring idaan ang pag-aaral ng mga bata sa pamamagitan ng online.

Nagpaalala naman ang MDDRMO para malabanan ang init ng panahon, dapat uminom ng 8 – 10 baso ng tubig araw-araw.

Iwasan ang physical activity, mag-suot ng mga light colored at maluwag na mga damit at umiwas sa pagbibilad ng araw.

More in Metro News

Latest News

To Top