Connect with us

Fact checkers sa social media, mga partisan – Rep. Marcoleta

Kinumpirma ni Senatorial candidate Rodante Marcoleta ang pagkalas nito sa senatorial race.

National News

Fact checkers sa social media, mga partisan – Rep. Marcoleta

Ibinahagi ni Anakalusugan Partylist Mike Defensor na kasalukuyan siyang naka-block sa Facebook dahil lang sa post nito hinggil sa Ivermectin.

Sa programang Point of Order ng SMNI News, nilinaw ni Defensor na wala naman siyang intensyong masama laban sa gobyerno sa naturang post kung kaya’t nakakalito umano ang dahilan bakit siya nasuri ng FB.

Ibinahagi ni Defensor na sa Uttar Pradesh, India na may 200 million na kabuoang populasyon, mahigit kumulang 41 lang ang nagkakasakit ng COVID-19 sa 7-day average ng rehiyon.

Ang sekreto aniya, umiinom ng Ivermectin ang mga taong naninirahan sa nasabing lugar.

Ang vaccination rate lang din doon ay 7%, isang patunay na hindi lang ang COVID-19 vaccine ang susi para labanan ang sakit.

Subalit nang nanawagan siya  sa Food and Drug Administration (FDA) at Department of Health (DOH) hinggil dito, wala pang 30 minuto ay blocked na siya sa Facebook.

Samantala, kinuwestiyon din ni Deputy Speaker Rodante Marcoleta ang hindi pag-block ng Facebook sa isang maling post hinggil sa West Philippine Sea (WPS).

Kaugnay parin dito ang reklamo ni Defensor sa pag-block ng Facebook sa kanyang account .

Dahil dito, sinabi ni Marcoleta na partisans ang fact checkers o gumagawa ng guidelines ng Facebook lalong-lalo na kung may kaugnayan sa politika.

Binigyang-diin pa nito na pinipili lang nila ang mga pag-aaral na tumatama sa kanilang paniniwala.

Gayundin ang ginagawang pamimili ng mga ito sa mga pag-aaral sa isang gamot na pinapanigan nila at gusto nilang gamitin sa mga hospital.  

More in National News

Latest News

To Top