National News
Farm gate price ng kamatis, bumagsak sa P3 kada kilo – DA
Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) na bumagsak sa P3 – P5 ang farm-gate price ng kada kilo ng dahil nag-oversupply ito sa mga palengke at pamilihan.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary at Spokesperson Kristine Evangelista, gumagawa sila ngayon ng hakbang para tulungan ang mga magsasaka lalo na sa Region 2 at 3 upang makaiwas sa malaking gastos para madala sa mga palengke ang mga agri products.
Subalit, kahit na mababa ang farm-gate price ng kamatis, nananatili naman ang retail price nito sa mga palengke at pamilihan sa Metro Manila ng mula P25-P60 kada kilo.
Sa ngayon ay nakikipag-usap na ang ahensiya sa mga kooperatiba para bilhin ang agricultural products ng maliliit na magsasaka.
Habang nagkaloob na rin sila ng 10 trak para magamit ng mga magsasaka na madala ang produkto sa pamilihan o sa Kadiwa centers.