Connect with us

Farm workers, tatanggalin na sa official registry ng mga magsasaka sa bansa – DA

Farm workers, tatanggalin na sa official registry ng mga magsasaka sa bansa – DA

National News

Farm workers, tatanggalin na sa official registry ng mga magsasaka sa bansa – DA

Tatanggalin na sa official registry ng mga magsasaka sa buong bansa ang farm workers ayon sa Department of Agriculture (DA).

Ayon kay DA Usec. for Operations Roger Navarro, hindi dapat na makasama ang farm workers sa official database ng mga magsasaka dahil hindi naman nila pagmamay-ari ang sakahan kung saan sila nagtatrabaho.

Aniya, dahil seasonal workers’ ang mga ito, mainam na isama sila sa listahan ng beneficiaries ng ibang government agencies gaya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang magiging updated na registry ay pagbabatayan ng DA para sa kanilang magiging policy planning, implementation at iba pang uri ng mga proyekto at interbensyon.

More in National News

Latest News

To Top