Connect with us

FDA, binigyan ng “compassionate use” permit ang gamot na Ivermectin kontra COVID-19

Aprubado na ng Food and Drug Administration(FDA) ang "compassionate use" ng gamot na Ivermectin para panlaban sa COVID-19.

National News

FDA, binigyan ng “compassionate use” permit ang gamot na Ivermectin kontra COVID-19

Aprubado na ng Food and Drug Administration(FDA) ang “compassionate use” permit ang gamot na Ivermectin para panlaban sa COVID-19.

Ito ang inihayag ni FDA Director General Dr. Eric Domingo sa Laging Handa public briefing.

Paglilinaw ni Domingo, ang special permit na ito ay iba sa hiling ng dalawang local manufacturer na nagparehistro sa kanilang produktong Ivermectin.

Bukod pa rito, ani Domingo, ang “compassionate use” ay upang magamit ito sa bansa kontra COVID-19 ngunit hindi ibig sabihin na ine-endorso ito ng FDA.

Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang distribusyon ng anti-parasitic drug na Ivermectin bilang treament medicine sa COVID-19.

Paglilinaw ni Domingo, tangging ang ospital lamang na may permit ang otorisadong gumamit ng Ivermectin para sa human consumption.

Pagbibigay diin ni Domingo, ang compassionate use permit ay nagbibigay lamang ng legal administration ng gamot at hindi isang rekomendasyon mula sa FDA na ito ay ligtas at epektibo.

Nauna nang ipinaliwanag ng FDA na ang Ivermectin ay rehistrado lamang sa Pilipinas bilang gamot ng para sa mga hayop at hindi sa tao.

More in National News

Latest News

To Top