COVID-19 UPDATES
FDA, nagbabala sa publiko laban sa pagawa ng mga hand sanitizers at disinfectant sa pamamagitan ng “DIY” online videos.
Nagbabala ngayon ang Food and Drug Administration (FDA) laban sa “Do-It-Yourself” or (DIY) videos na kumakalat sa social media hingil sa paggawa ng mga hand sanitizers at disinfectant gamit ang mga pinaghalong rum alcoholic drink, bleaching agent at hand sanitizers.
Ayon sa FDA, ang bleaching agents ay mga produkto na naglalaman ng chlorine compound para sa pagpapaputi ng damit at pang-disinfect ng mga bagay na madalas hawakan gaya ng door knob at mga ibabaw ng mesa.
Paliwanag ng FDA na ang paghahalo ng bleach sa rum na may taglay na ethyl alcohol ay makagagawa ng isang mas delikado at mapanganib na kemikal na magdudulot ng peligro sa kalusugan ng tao sa sandaling ma-inum, ma-singhot, o ma-absord ng balat nito.
Payo ng FDA, ang wasto at madalas na paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig bilang bahagi ng personal hygiene practice ang pinakamabisang paraan upang maiwasan ang pagkalat ng bacteria o virus.
Ang mga hand sanitizer at rubbing alcohol ay mga alternatibo lamang kapag walang magamit na malinis na tubig sa paghugas ng kamay.