Connect with us

Filing ng COC ng mga kakandidato sa BSKE, hindi na palalawigin ng COMELEC

Filing ng COC ng mga kakandidato sa BSKE, hindi na palalawigin ng COMELEC

National News

Filing ng COC ng mga kakandidato sa BSKE, hindi na palalawigin ng COMELEC

Sapat na ayon sa Commission on Elections (COMELEC) ang araw na ibinigay para sa paghahain ng certificate of candidacy (COC) ng mga tatakbong opisyal ng barangay para sa barangay at SK elections (BSKE) ngayong Oktubre.

Sinabi ni COMELEC Spokesperson John Rex Laudiangco, malinaw na wala nang magiging extension ng filing dahil dito.

Maaari lang aniya na maikonsidera ang pagpapalawig kung mayroong mga hindi inaasahang pangyayari.

Nagsimula ang filing ng candidacy ngayong araw, August 28, at magtatagal ito hanggang September 2.

 

More in National News

Latest News

To Top