Connect with us

Filipino-Chinese community, nagpaabot ng P200-M tulong sa apektado ng COVID-19 crisis

National News

Filipino-Chinese community, nagpaabot ng P200-M tulong sa apektado ng COVID-19 crisis

Nagsama-sama ang ilang Chinese-Filipino community at mga kaibigan nito para pag-isahin ang kanilang suportang handog para sa mga apektado ng krisis dulot ng coronavirus disease (COVID-19).

Sa pangunguna ni Dr. Henry Lim Bon Liong, presidente ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry (FFCCCI), nagpaabot ang Filipino-Chinese organizations  ng tulong tulad ng vitamins, personal protective equipment (PPE), n95 and surgical masks, gloves, safety goggles, sanitizing alcohol, at thermos scanners para sa mga frontliner at public at private hospitals sa bansa.

Maliban dito, mayroon ding bigas, groceries, food packs na ipinagkaloob sa mga komunidad na higit na nangangailangan.

Ang tulong ay sa pamamagitan ng Filipino-Chinese-Community-Care-Fund (FCCCF) kung saan ang naturang batch na donasyon ay nagkakahalaga ng mahigit P200 milyon na layong makatulong sa Pilipinas para sa tuluy-tuloy na paglaban sa COVID-19.

Ito ay maliban pa sa milyong halaga ng pinansyal at relief goods na patuloy na ipinamamahagi sa buong bansa katuwang ang partner organizations kung saan higit P1.5 bilyon idinonate ng chinese enterprises.

Gayundin ang government to government donations ng China gaya ng high-tech-test-kits, medical supplies, at medical experts na nagbahagi ng kanilang best practices sa mga filipino medical front-liners at mga opisyal ng Department of Health (DOH).

Ang nagpapatuloy na relief operations nationwide ay binubuo ng Filipino-Chinese business, civic, at cultural organizations sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

More in National News

Latest News

To Top