National News
Filipino community sa Japan, nagpahayag ng suporta sa KOJC
Nagtipon-tipon sa harap ng Philippine Embassy sa Ropponggi, Tokyo ang Filipino community sa Japan kasama ang mga misyonaryo at miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).
Ito ay para ipaabot ang kanilang pagkadismaya sa administrasyon ni Marcos Jr. dahil sa ginawang panggigipit sa KOJC na pinamumunuan ni Pastor Apollo C. Quiboloy.
Isa sa panawagan ng Filcom na bumaba na si Marcos Jr. sa pwesto dahil wala itong kakayanan na mabigyan ng magandang buhay ang mga Pilipino.
Ngayong araw, Setyembre 4, 2024 ang ika-12 araw ng pagkubkob ng Philippine National Police (PNP) sa KOJC Central Headquarters sa Davao City.