Connect with us

Filipino Pole Vaulter EJ Obiena, pasok sa 2020 Tokyo Olympics

Sports

Filipino Pole Vaulter EJ Obiena, pasok sa 2020 Tokyo Olympics

NAKAKUHA ng spot sa 2020 Tokyo Olympics ang Filipino Pole Vaulter na si EJ Obiena.

Ito ay matapos na matagumpay na makapagtala ng 5.81 meters sa isang torneyo na ginanap sa Chiara, Italy nitong martes, September 3.

Dahil dito, umani si Obiena ng siguradong puwesto sa gaganaping Tokyo Olympics upang kinatawan ng bansa sa naturang paligsahan.

Magugunitang ang Filipino Pole Vaulter rin ang kasalukuyang Asian champion sa nasabing sports event na kung saan may personal best at national record itong 5.76 meters.

Kitang-kita na mas napaghusay at nabasag pa ng Pinoy athlete ang kanyang kasuluyang record mula 5.76 meters sa 5.81 meters.

Ulat ni: Joel De Lara

More in Sports

Latest News

To Top