COVID-19 UPDATES
Filipino worker sa Macau, nagpositibo sa COVID-19
Nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang isang Filipino worker sa Macau.
Batay sa official website ng gobyerno ng Macau, kasalukuyan nang naka-quarantine sa isang hospital ang 31 anyos na Pinoy na isang hotel restaurant worker.
Ayon sa mga otoridad sa nasabing Chinese Special Administrative Region, huling nagreport sa trabaho ang Pinoy noong Enero 26 at umuwi sa Pilipinas para magbakasyon hanggang March 15.
Bumalik anya ito sa Macau noong Marso 16 at nagpaospital ng mga sumunod na araw matapos magpakita ng mga sintomas gaya ng lagnat at sakit ng ngipin.
Dahil dito, ipinag-utos na ang pagdis-infect sa public areas na tinitirhan ng Pinoy, pag-alam sa travel history nito at pagtukoy sa mga nakasalamuha nito simula ng pagdating sa Macau.
Sa ngayon, ang Pinoy na ang 15th kaso ng sakit sa Macau.